Matagumpay ang ginanap na special screening ng 1974 Elwood Perez classic drama film Isang Gabi, Tat

Matagumpay ang ginanap na special screening ng 1974 Elwood Perez classic drama film "Isang Gabi, Tatlong Babae" na pinagbidahan nina Amalia Fuentes, Boots Anson Roa, at Pilar Pilapil with Marissa Delgado and Orestes Ojeda. Ginanap ito sa Dream Theater (Tanghalang Manuel Conde) ng CCP kanina, simula ika-2 ng hapon. Dumalo sa natatanging film event, na siya ring pagdiriwang ng kaarawan ni Direk Elwood kahapon (Feb. 4), ang dalawa sa mga bidang aktres na sina Amalia at Boots, plus Marissa, with her daughter former beauty queen Avon Garcia, and Orestes, kasama ang anak na si Nicole; mga taga-media at mga tagahanga na tagasuporta rin ng pelikulang Pilipino. Ang affair ay isa ring proyekto ng SOFIA (Society of Filipino Archivists for Film) sa pagtataguyod nito ng local film preservation. Ang "Isang Gabi, Tatlong Babae" ay iprinodyus ng yumaong si Joey Gosiengfiao bilang executive producer at isinulat nina Wilfrido Nolledo at Orlando Nadres.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close