Tinawagan ni Mommy Divine, ina ni Sarah Geronimo, ang YES! editor na si Jo-Ann Maglipon kahapon. Sin

Tinawagan ni Mommy Divine, ina ni Sarah Geronimo, ang YES! editor na si Jo-Ann Maglipon kahapon. Sinabi nito na pag lumabas ang March issue ng entertainment magazine, kung saan cover story si Sarah, ito rin ang kauna-unahang beses na maririnig ang mag-ina na nagsasalita tungkol sa personal nilang buhay. Hindi raw kasi sila nagpapa-interbyu ng hindi tungkol sa trabaho ng Pop Princess. Ngunit dahil ang topic ng cover story ay ang naging Sarah-Rayver romance, kinuha ng magasin ang panig ng lahat, kasama na ang kay Mommy Divine. Sana raw ay maintindihan ng mga tao ang saloobin nilang mag-ina kapag narinig ang panig nila. Sila raw kasi ay "hindi sumasabay sa agos ng showbiz," at bagamat "hindi namin ito hinuhusgahan," aniya, gusto pa rin nila ng "normal na buhay na may pananampalataya sa Diyos" paglabas ng showbiz.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close