Ang mailap na si Sarah Geronimo ay nagpaunlak ng 30-minutong interbyu sa YES! din. Laging sinasabi n

Ang mailap na si Sarah Geronimo ay nagpaunlak ng 30-minutong interbyu sa YES! din. Laging sinasabi ni Sarah sa mga nakaraang interbyu na gusto niyang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni Rayver Cruz, pero "may tamang panahon at lugar" para roon. Napili ni Sarah na sa unang paglalahad ng kanyang damdamin ay magsalita siya sa YES! Magazine. (Ang YES! ay print affiliate ng PEP.) At ginusto ng kampo niyang mailabas ito matapos na ng kanyang pre-Valentine concert with Martin Nievera, dahil ayaw nilang may mag-isip pa na gumagawa si Sarah ng ingay para sa concert. Ang topic ng naging relasyon nila ni Rayver ay personal na isyu at masakit naman daw kung pag-isipan pa ito ng hindi maganda. Malaking risk na nga raw para kay Sarah na lumabas in the open tungkol sa isang pribadong isyu. Gusto naman nilang tama ang context na makuha ng mga mambabasa.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close