Dumating na kaninang alas-onse ng umaga (Friday, Vancouver time) dito sa Vancouver, Canada si Michae

by Erwin Santiago
Apr 23, 2011
Dumating na kaninang alas-onse ng umaga (Friday, Vancouver time) dito sa Vancouver, Canada si Michael V at ang kanyang buong pamilya--asawang si Carol at mga anak na sina Milo, Yanee, Migo, at Maple. Galing ang buong pamilya mula sa kanilang pagbabakasyon sa Corona, Los Angeles kunsaan nakabili ng bahay si Bitoy a few years back. Three hours daw ang plane ride from LA to Vancouver at alas-siete ng umaga sila umalis doon. "Wala pa kaming tulog," ani Bitoy. "Kasi nga ang aga ng flight... Tapos pagdating dito, nag-book na agad ng mga tour si Misis. Nakaikot-ikot na kami ng Vancouver. Pero baka dalhin ko rin ang mga bata sa Aquarium. Kanina nadaanan na namin ang Science Center." First time din kasi ng pamilya na makapag-Canada pero hanggang Linggo lang kasi sila dito katulad ng buong Dabarkads. However, unlike the rest, ang pamilya ni Bitoy ay babalik sa Corona. May home improvement daw kasi silang inaasikaso doon at hindi pa raw tapos 'yon. "Two years kasi naming hindi nabisita. Pati mga halaman, ang lalago na."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results