Nakausap si Susan Roces ng PEP nitong nakaraang Linggo sa goodbye party para kay Carlitos Siguion-Re

Jan 16, 2012
Nakausap si Susan Roces ng PEP nitong nakaraang Linggo sa goodbye party para kay Carlitos Siguion-Reyna, na babalik na sa Singapore kung saan siya nagtuturo sa film school na konektado sa NYU (New York University). Kagagaling lang ni Ma‘am Susan noon sa preview ng Walang Hanggan. Ayon sa kanya at sa mga kasamahang naka-preview ng may limang episodes ng bagong teleserye ng ABS-CBN, maganda raw talaga ang pagkaka-direk nina Jerry Sineneng at Trina Dayrit. At iba rin daw talaga ang chemistry nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, na pareho raw mas gumaling pa sa pag-arte ngayon. Si Coco Martin naman, na sinasabing paborito ni Ma‘am Susan, ay bagay na bagay din daw sa role, habang si Julia Montes, na partner ni Coco, ay "may mukha na mahihilera mo sa kapanahunan ni Jennifer Jones." Sa ibang salita, "magandang bata, magandang mukha."
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results