Naaksidente ang young actor na si Neil Coleta kaninang madaling-araw sa may Puregold Commonwealth Av

by Erwin Santiago
Mar 5, 2012
Naaksidente ang young actor na si Neil Coleta kaninang madaling-araw sa may Puregold Commonwealth Ave., Quezon City. Sakay ng Innova, binunggo diumano ang sasakyan nila Neil ng isang Pajero. Inamin naman daw ng nakabunggo sa kanila na sila ang may kasalanan dahil nakainom daw ang mga ito at nawalan ng preno. Pagkatapos ng insidente ay nagpunta si Neil sa East Avenue Hospital para magpa-X-ray ng kanyang leeg. "Muscle spasm" ang naging resulta. Kumuga na rin daw siya ng medical certificate para sa kasong isasampa niya laban sa driver at may-ari ng Pajero na bumunggo sa kanila.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results