Nag-resign na ang disc jockey na si Grace Lee sa programang emGood Times/em. Ito ay kinumpirma mismo

by Demelyn Granali
Mar 6, 2012
Nag-resign na ang disc jockey na si Grace Lee sa programang Good Times. Ito ay kinumpirma mismo ng station manager ng Magic 89.9 na si Andrew Santiago sa kanyang pakikipag-usap sa PEP ngayong hapon. Ayon kay Santiago, isang mas "decent" at "safe" na programa daw ang bubuuin ng istasyon na mas aangkop sa personalidad at imahe ng Korean host. "Very edgy" daw kasi ang konsepto ng Good Times at madalas itong pinagmumulan ng negatibong reaksiyon mula sa publiko, lalo‘t nali-link ngayon si Grace kay Pangulong Noynoy Aquino. Pinabulaanan naman ni Santiago ang haka-hakang may kinalaman ang pagre-resign ni Grace sa naging problema nila ng dating katrabaho niyang si Angelika "Angelicopter" Schmeing-Cruz.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results