quot;Itlsquo;s all lies!quot; ito ang pahayag ni Annabelle Rama tungkol sa balitang quot;nagwalaquot

by Jen Pangilinan
Mar 12, 2012
"It‘s all lies!" ito ang pahayag ni Annabelle Rama tungkol sa balitang "nagwala" raw ito kaninang umaga sa harap ng Fiscal‘s office sa San Juan, kung saan nagkaroon ng clarificatory hearing para sa kaso niyang theft laban kay Nadia Montenegro. Dagdag pa ni Annabelle, "Alam ko na ang patakaran diyan. Sinabihan na ako ng abugado pati nung judge na bawal sumigaw..." Pero inamin niyang sa baba ng opisina, hindi niya napigilan ang sarili na magalit kay Nadia Montenegro "sa baba ng Fiscal‘s office." Ito ay dahil sa "nagsinungaling" daw ulit si Nadia. Ang sabi pa ni Annabelle, "Gawa-gawa lang daw ng media at hindi sa bunganga niya galing yung pagbebenta niya [Nadia] ng kama na kinuha niya sa akin." Ang inis pa niyang nasambit: "Sinungaling siya..." dahil sa interview daw mismo ni Nadia galing ang istoryang iyon. Kasalukuyan nang kinukuha ang panig ni Nadia sa isyu.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results