Inamin ni Richard Gutierrez sa presscon ng bago niyang show na Pinoy Adventures na may girlfriend siya ngayon, ngunit hindi ito taga-showbiz. Kaya nga raw ayaw niyang masyadong magbigay ng detalye tungkol dito. Sabi pa niya, "I wanna keep that part of me private. For my sanity."