Si Jose Manalo lang ang dumating sa hearing ng kasong isinampa sa kanya ng misis niyang si Anna Lyn Manalo sa San Juan Prosecutor‘s Office ngayong umaga. Ang abugado lang ni Anna Lyn ang dumating dahil may prior commitment daw ang kanyang kliyente. Nag-submit si Jose ng rejoinder at ayon kay Fiscal Dinna Paulino, to be submitted for resolution na raw ito.