Sa presscon ng forthcoming 24/SG consert ni Sarah Geronimo sa City Best restaurant, ipinahayag ng Popstar na ang malaking achievement niya personally ngayong magtu-24 na siya ay ang maiwasang muling magkaroon ng heartbreak. Aminado siya ng napalapit siya sa ilang "friends" pero hindi raw napunta sa seryosong relasyon. Wala rin daw siyang planong maging independent o magsolo dahil hindi niya kayang iwanan ang kanyang mga magulang at kapatid.