Ayon kay Konsehal Roderick Paulate, nirerespeto niya ang Ombudsman na siya umanong naglabas ng anila‘y pagkakaroon niya ng "ghost employees." Ayon pa sa actor-politician, he welcomes investigation to clear his name. Itinuturing din daw ni Roderick na ang nangyayari ay kanyang "baptism of fire." Marahil ang akusasyon umano ay para mawalan siya ng gana sa pulitika, pero ayon kay Roderick ay tatakbo siya uli sa susunod na eleksiyon.