Tumangging magbigay ng komento si Aiko Melendez tungkol sa relasyon diumano ng ex-boyfriend niyang si Patrick Meneses at aktres na si Ara Mina dito sa golf tournament ng Philippine Chamber of Commerce sa Ayala, Alabang Country Club. Ayon kay Aiko, wala raw siyang ideya na nagde-date ang dalawa. "Ang alam ko lang magbarkada sila...well, kung sila man, e, ayoko nang mag-comment." Matatandaang nakarelasyon din ni Ara ang dating asawa ni Aiko na si Jomari Yllana.