Wala si Dingdong Dantes sa presscon ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme. Kasama naman ni Eugene Domingo ang isa pang leading man na si Zanjoe Marudo. Ayon kay Eugene, sobrang hirap ang pinagdaanan nila sa paggawa ng pelikula lalo na sa shooting nila sa Korea dahil umabot daw sa negative 20 ang temperatura.