Kumakalat ngayon sa Twitter ang balitang pumanaw na raw ang Comedy King na si Dolphy. Ilang celebrities—gaya nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Jim Paredes, Tim Yap—ang nagpaabot na ng kanilang pakikiramay sa pamamagitan ng Twitter. Ngunit wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa pamilya Quizon kung totoo ang balitang ito.