Ayon sa apo ni Dolphy na si Rowell Quizon, bronze na kabaong ang pinaglagakan sa mga labi ng kanyang lolo. Itong kabaong na ito ay binili pa raw ng Comedy King noong 1976. All-white na tuxedo, na may panyolito at neck tie, ang suot ni Dolphy habang nasa kabaong ito. Nakaburol ang mga labi ng Comedy King sa Heritage Memorial Park.