Sa bihirang pagkakataon ay nagkaisa ang tatlong malalaking TV stations ng bansa--ang ABS-CBN, GMA-7, at TV5--dahil bukas ang Kapamilya network para sa Kapuso at Kapatid networks na mag-coverage sa Dolphy Theater sa bakuran ng ABS-CBN. "Haligi lang nakakagawa niyan. Yun ang mensahe na dapat wala nang kanya-kanya," ang sabi ni Randy Santiago sa nasabing usapin.