Inamin ni Epy Quizon na sumama ang loob niya sa mga taong pinangunahan ang kanilang pamilya na i-anunsiyo ang nangyari sa kanilang ama na si Dolphy. Gayunman, masaya raw siya ngayon dahil ang pagkakaisa ng mga tao ay tanda na "we are all celebrating my dad‘s life."