Dumating ang dating presidente at aktor na si Joseph "Erap" Estrada dala ang isang trophy na hugis-agila. "People‘s Artist Award" daw mula sa Dakilang Lahi Foundation, bilang sagot sa National Artist award. Sa isang ambush interview sinabi ni Erap na long overdue na ang National Artist award para kay Dolphy.