Ilo-launch ngayong alas kuwatro ng hapon (Jakarta time, which is one-hour delayed) ang emEat Bulaga!

by Jen Pangilinan
Jul 16, 2012
Ilo-launch ngayong alas kuwatro ng hapon (Jakarta time, which is one-hour delayed) ang Eat Bulaga! Indonesia. Binili ng SCTV (Surya Citra TV) Indonesia ang franchise ng 33-year-old Philippine noontime show para maipalabas sa buong Indonesia. Two months ago nagsimula ang pag-uusap para sa franchising, at June daw nagkasahan ng deal. Ayon kay Harsiwi Achmad, director for programming (ang parang tumatayong Lilybeth Rasonable at Cory Vidanes ng SCTV) ay limang taon na nilang gustong makipag-usap sa Eat Bulaga! Manila. Kaya laking-tuwa nila na natuloy din sa wakas ang transaksiyon.. Ilang araw nang nagda-dry run ang Eat Bulaga! Indonesia at lahat ay plakado mula set, theme song, at lahat ng segments, kabilang na ang "Pinoy Henyo" na ang tawag nila ay "Indonesia Pintar." Meron din silang version ng Jose-Wally-Paolo para sa version nilang "Juan for All." Meron din silang bossing na ang pangalan ay Uya Kuya. Ang tawag nila ay Boss Uya. Samantala, "bulagang" naman ang version nila sa tagline na "Dabarkads." Ayon kay Tony Tuviera ng TAPE, Inc., producer ng Eat Bulaga!, isang historical event ito hindi lamang para sa TAPE at at sa show kundi para sa lahat ng Pinoy dahil isang milestone na maging isang international franchise ang iconic show.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results