Kasalukuyang may general assembly ang mga empleyado ng GMA-7. Dito sinabi ng big boss ng network na si Atty. Felipe Gozon na hindi pa pagmamay-ari ni Manny V. Pangilinan ang Kapuso station. Si Gozon raw mismo ang magbabalita sa mga empleyado sakaling matuloy ang negosasyon. At bakit daw niya ibebenta ang network gayoong kumikita naman ito.