Katatapos lamang magbigay ng mensahe ni Pangulong Noynoy Aquino. Aniya, ang TV Patrol ay "isa sa pinakamatibay na institusyon sa pagbabalita." Sa gitnang bahagi ng kanyang speech, naging "prangka" ang Pangulo. Pinayuhan niya ang mga mamahayag tungkol sa pagbibigay ng opinyon at bagbabalita. Mas mainam daw kung"ibalanse" ang pag-uulat. Kung nagbanggit ng krimen o kabulastugan, magbanggit din tungkol sa nagagawang kabutihan.