Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay pinagkaguluhan ng mga fans nang dumating sila sa Cinema 4 ng SM Megamall ngayong gabi, March 12. Nagkakatulakan pa nga ang ilang fans para lamang makunan ng litrato ang kanilang mga idolo na bida ng pelikulang Must Be Love.