strongFIRST READ ON PEP: /strongHindi raw inakala ni James Yap na ang biruang nangyari sa pagitan ni

by Jen Pangilinan
Mar 20, 2013

FIRST READ ON PEP: Hindi raw inakala ni James Yap na ang biruang nangyari sa pagitan nila ni Kris Aquino ay hahantong sa pag-file ng huli ng PPO (Permanent Protection Order) laban sa kanya. Sa isang one-on-one interview, inilahad ni James Yap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nangyari noong December 3, 2012. Patapos na raw noon ang kanyang visiting hours at hiningi niya kay Bimby, "Kiss mo si Papa..." Pero ang sabi raw ng anak, "No, I don’t like!" Dagdag pa ni James, "E, kasi nandun si Kris. So, takot siya kay Kris, e, na i-kiss ako. Hindi ko alam kung bakit." Dahil dito, biniro raw ni James ang anak, "Bim, if you don’t kiss me, I’ll kiss your Mama." Ang natatandaan niyang reaksiyon daw noon ni Kris: "Yuck, yuck, gano’n. Yuck! Yuck! Kadiri!" Pero hindi raw niya akalain na magiging dahilan ito para ilayo sa kanya ang anak for 30 days. Samantala, kinokontak na rin ng website ang kampo ni Kris para sa sagot nito. (CLICK HERE to read the first part of PEP‘s interview with James Yap)

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results