Baguhang aktor, nalulunod na sa isang basong tubig


Naniniwala ang respected showbiz personality na nalulunod sa isang basong tubig ang baguhang aktor dahil malaki na ang ipinagbago ng ugali nito.

Noong nagsisimula ang showbiz career ng aktor, ito pa ang lumapit at nagpakilala sa showbiz personality nang magkita sila sa press conference ng isang pelikula.

Malayo pa lang, nakangiti na ang aktor sa showbiz personality na parang matagal na silang magkakilala.

Nang lumapit ang aktor, ito pa ang nagpakilala sa sarili at nagkuwento na apo siya ng dating kaklase sa probinsiya ng showbiz personality.

Dahil apo ng kanyang former schoolmate, nakipagkuwentuhan ang showbiz personality sa aktor na hindi niya lubusang kilala.

But then, humanga ang showbiz personality sa pagiging magalang at edukado ng aktor kaya mula noon, sa sariling paraan, tinulungan niya ang newcomer para matupad ang pangarap nitong makilala sa entertainment industry.

A few months later, muling nagkita ang dalawa sa birthday party ng isang popular movie producer.

Halos magkatabi lamang ang mesa ng showbiz personality at ng aktor, pero tagusan ang tingin ng aktor sa former classmate ng lola niya.

Ni hindi siya nag-aksaya ng oras para lapitan at batiin ang showbiz personality 'tulad nang ginawa niya sa kanilang unang pagkikita.

Hindi na nagtaka ang showbiz personality sa inasal ng aktor na nagkaroon ng ilusyong sikat na siya dahil sa kanyang product endorsement at television exposure.

Sa tagal ng showbiz personality sa entertainment business, marami na ang mga baguhang artistang nakita niyang nagbago ang ugali nang sumikat pero hindi nagtagal dahil nalunod sa isang basong tubig.

Ang verdict ng showbiz personality: Walang forever sa acting career ng aktor na mainstay ngayon sa primetime television series ng isang major network, pero dusang panoorin dahil hindi marunong umarte.

Umiinit ang ulo ng televiewers kapag napapanood nila ang aktor na walang acting talent at nagkakaroon lang ng mga project dahil sa kanyang influential manager.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN