It's Showtime, nag-alay ng panalangin para kay Chokoleit

by Jojo Gabinete
Mar 11, 2019
PHOTO/S: Instagram

Isang panalangin para kay Chokoleit ang inialay sa It’s Showtime, sa pangunguna nina Vice Ganda at Amy Perez, ngayong Lunes ng tanghali, March 11.

Pambungad na pananalita ni Vice, "Bago natin ituluy–tuloy ang kasiyahan natin ngayong araw na ito ay gusto ho naming humiling sa inyo na sana po ay samahan niyo kami na sa pagkakataong ito ay gunitain ang masasayang alaala na ibinahagi sa atin ng isang mahal na mahal naming kapamilya na si Chokoleit."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Amy, "Madalang pipol, sa isang maigsing dasal para po sa aming kapamilya na si Chokoleit, sa kanyang paglalakbay, sana’y mahanap niya ang saya gaya ng kanyang pagbibigay ngiti sa amin.

"Gabayan niyo rin ang kanyang pamilya at mga naiwang mahal sa buhay."

Pagkatapos nito ay binalot ng katahimikan ang studio ng It’s Showtime dahil ipinagdasal ng lahat si Chokoleit.

Continue reading below ↓

Pumanaw si Chokoleit sa edad na 48 noong Sabado ng gabi, March 9, 2019, sa Abra.

Heart attack at pulmonary edema ang mga sanhi ng pagkamatay ng komedyante, na nakaburol sa Paket Santiago Funeral Homes sa Marcos Highway, Antipolo City.

Dumating kaninang madaling-araw sa Antipolo mula sa Abra ang mga labi ni Chokoleit.

Ayon sa isang empleyado ng Paket Santiago Funeral Homes, hindi pa sinasabi ng pamilya kung bubuksan na ngayon sa publiko ang burol.

Pero plano ng mga naulilang magkaroon ng isang linggong lamay para sa nasawi na komedyante.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results