Chokoleit, inatake sa puso habang nasa stage -- heart doctor

by Jojo Gabinete
Mar 11, 2019
PHOTO/S: Screen grab from Carl Guevarra's Facebook

Isang medical doctor ng St. Luke's Medical Center sa Quezon City na expert sa heart ailments ang kinausap at hiningan ng opinyon ng Cabinet Files tungkol sa nangyari sa komedyanteng si Chokoleit.

Binawian ng buhay si Chokoleit sa Abra noong March 9, 2019 dahil sa heart attack at pulmonary edema.

Pinanood mabuti ng doktor—na hiniling na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan—ang video ng last performance ni Chokoleit at isa–isa niyang ibinahagi sa Cabinet Files ang kanyang mga obserbasyon.

Sinabi ng doktor na inaatake na sa puso si Chokoleit habang nasa stage.

Pero may tsansang nakaligtas siya kung itinigil niya ang performance pagkatapos ng kanyang unang song number, ang "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko," dahil napakahalaga ng mga lumipas na segundo.

Tumagal ng mahigit sa 20 minuto ang skit ni Chokoleit, na naagapan sana ang kundisyon kung huminto na siya sa kanyang ginagawa sa unang sampung minuto.

Continue reading below ↓

Ayon sa doktor, "Nagkaroon muna siya ng heart attack bago ang pulmonary edema dahil sa congestion.

"Mataba rin si Chokoleit so, probably, baka may underlying heart problem din siya.

"Siyempre, ano ba ang trabaho mo, 24/7 'yan dahil depende kung anong oras matatapos.

"Siguro, immediately after his first performance, yung unang kanta niya, huminto na dapat siya.

"Kasi, after that song, may shortness of breath na. Nagsalita na siya ng 'Hinihingal ako.'

"Pero hindi naman madaling ma-identify ang nangyayari kay Chokoleit, lalo na big stage, 'tapos yung colleagues mo, nasa backstage.

"Kung napansin agad yung nangyayari sa kanya, baka nadala pa siya sa ospital at na-save.

"Pero hindi mo masasabi dahil yung MI [Myocardial Infarction], napakabilis.

"Di ba, traydor na sakit nga 'yan?"

Continue reading below ↓

Sinabi rin ng doktor na posibleng nahihiya si Chokoleit na itigil ang pagtatanghal dahil bayad na ang talent fee niya.

"Baka bago pa lang siya umakyat sa stage, may nararamdaman na siya, kaya lang, as performer, hindi siya puwedeng mag-back out.

"Baka nahihiya siyang magsabing may nararamdaman siya.

"Nakaapekto rin sa kanya ang pag-akyat sa mataas na hagdan dahil may adrenaline rush na.

"Kailangan niyang mag-perform, kailangang magpatawa siya dahil komedyante siya.

"Pero mapapansin sa kanyang may lapses na.

"More than the normal activity yun.

"Hindi ordinary na habang naglalakad ka, nagsasalita ka, kumakanta ka, tumatakbu-takbo ka, nag-iisip ka kung paano mo mapapatawa ang audience mo.

"Iba na yung aura niya. Dapat dire-diretso ang pagpe-perform niya.

"Siya, humihinto, bumabalik, 'tapos sinasabi niya na, 'Dito na nga lang ako.'"

Ayon pa sa doktor, "Tiningnan ko talaga isa-isa ang mga ginawa niya... kaya pagtayo niya sa last part, pinutol niya agad, nagsalita siya ng, 'Good evening, Abra.'

Continue reading below ↓

"'Tapos pagtalikod niya, talagang hagok na hagok na siya, yun na ang pulmonary edema—ang pamamaga ng lungs because of heart failure.

"Kumbaga, yung heart mo, trabaho nang trabaho, pump nang pump to supply oxygen sa buong system.

"Pero yung heart, walang oxygen, kasi maaaring may pagbabara na sa heart vessels.

"Kapag nagbara yun, mamamatay ang bahagi ng heart, so hindi na siya magko-contract.

"Ang tendency, makukulangan na ng supply ng oxygen.

"Makikita mo sa video, iba na yung aura niya. Talagang may hagok siya," paliwanag ng doktor, na masusing pinanood ang video ng huling pagtatanghal ni Chokoleit.

May pananagutan ba ang show organizer sa nangyari kay Chokoleit?

"Wala, unless si Chokoleit ang nagsabing hindi niya kaya. Masama ang pakiramdam niya," sagot ng resource person ng Cabinet Files.

Nagbigay rin ng importanteng payo ang doktor para sa mga show producer at sa mga artist:

"Bago umakyat sa stage ang mga performer, alamin muna ang blood pressure nila.

Continue reading below ↓

"Tanungin muna kung may mabigat silang nararamdaman para maiwasan ang nangyari kay Chokoleit."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from Carl Guevarra's Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results