Eric Quizon, kinumpirma ang pagbabalik-pelikula ni Martin Nievera

by Jojo Gabinete
Mar 12, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Tinanggap ni Martin Nievera ang alok para siya ang gumanap na love interest ni Maricel Soriano sa Does Your Mother Know?, ang Mother’s Day Presentation sa May 2019 ng Regal Entertainment, Inc.

Kinumpirma ni Eric Quizon ang pagbabalik sa pag-arte ng Concert King ng Pilipinas dahil siya ang direktor ng project at kasama niya ang Regal producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pakikipag-usap kay Martin.

Continue reading below ↓

"Kinausap namin siya nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

"Sabi niya, 'How do you want me to look, Steve Martin or Jim Carrey?'

"Sabi ko, 'Ikaw lang. You, ikaw lang dapat,'" kuwento ni Eric nang makausap siya ng Cabinet Files kagabi, March 11, sa grand launch ng Sahaya, ang primetime television series ng GMA-7 na mapapanood simula sa Lunes, March 18.

Isang businessman na gustong angkinin ang lupain ng mga Badjao ang role ni Eric sa Sahaya.

Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ang taping niya.

Kapag nag-umpisa na ang shooting ng Does Your Mother Know?, obligado si Eric na magtrabaho ng Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo para umabot sa target playdate ang pelikula nina Maricel at Martin.

"Pipilitin naming mag-umpisa kasi nauubusan na kami ng oras para sa Mother’s Day," sabi ni Eric.

Aalis kasi ng Pilipinas si Martin para sa mga commitment nito sa ibang bansa.

Hindi pa inuumpisahan ang filming ng Does Your Mother Know? dahil naghahanap pa rin si Eric ng aktres na gaganap na anak ni Maricel, at si Maine Mendoza ang napipisil niya.

Continue reading below ↓

"Yun na nga ang hinahanap namin, kailangan marrying age, mga 25.

"Ang kailangan talaga yung ka-match ni Marya, kasi baka mamaya pangit na naman ang combination.

"Kinukuha namin si Maine talaga, ang problema, maraming ginagawa, so baka hindi aabot."

Gustung-gusto ni Eric na si Maine ang gumanap na anak ni Maricel dahil napanood niya ang performance ng aktres sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Hindi nawawala ang pag-asa ni Eric na magagawan ng paraan para makasali si Maine sa cast ng Does Your Mother Know? dahil young Maricel talaga ang tingin niya sa Eat Bulaga! co-host.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results