Ronnie Liang, matutupad na ang pangarap maging piloto

IMAGE Courtesy of Ronnie Liang

Graduate ng Bachelor Education Major in Science sa Holy Angel University sa Pampanga ang singer-actor na si Ronnie Liang.

Pero hindi nawala ang ambisyon niyang maging piloto, kahit natupad na ang kanyang pangarap makapasok sa entertainment industry.

Kahit nakatapos siya ng college course at sa kabila ng busy showbiz schedule ni Ronnie, nagawa niyang mag-enroll ng flying course sa Strikeview Aviation Training Center noong December 2018.

Natapos ni Ronnie ang 12 subjects ng ground school noong February 2019, at unang linggo ng March nang magsimula ang kanyang flight simulator training.

"It has always been my dream to be a pilot and I believe that you can pursue your dreams at any point in your life.

"So here I am, taking steps in fulfilling that childhood dream," sabi ni Ronnie sa Cabinet Files.

Isang Cessna 152 two-seater with single propeller aircraft ang pinalipad ni Ronnie, na aminadong may naramdamang kaba dahil sa malakas na turbulence pero nalampasan niya with "flying colors" ang pagsubok.

"Nakakatakot din pag may nababalitaang bumagsak na aircraft kaya I always pray and repent all my sins bago sumakay at magpalipad ng airplane," pagtatapat ni Ronnie.

Makukuha na ni Ronnie sa susunod na buwan ang kanyang private pilot license.

Habang nag-aaral siya ng pagpapalipad ng eroplano, nakahanap pa si Ronnie ng oras para gawin ang Maria, ang action movie na pinagbibidahan ni Cristine Reyes na magbubukas sa mga sinehan sa March 27, 2019.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN