Former actor na nalulong sa drugs, naghihikahos na sa buhay

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Bihira nang lumabas ng bahay ang former actor na nalulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at matagal na nanatili sa drug rehabilitation center pero hindi na gumaling.

Kung lumalabas man ng bahay ang former actor, sandaling-sandali lamang dahil hindi siya hinahayaan ng kanyang inang makalayo para makaiwas sa kapahamakan.

Continue reading below ↓

Apparently, nakaapekto sa pag-iisip ng former actor ang illegal drugs na ginamit niya kaya tulala na siya nang lumabas mula sa rehabilitation center.

Artista rin ang ina ng former actor, pero bihira nang magkaroon ng mga television guesting at movie project.

Dahil walang regular income, umaasa na lang ang mag-ina sa tulong ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan na nagmamalasakit.

Kapag walang pera, inuutang muna ng aktres ang pagkain nila ng kanyang anak sa carinderia na malapit sa bahay na kanilang tinutuluyan.

Binabayaran na lamang ito ng aktres sa tuwing natatanggap niya ang financial help ng mga kamag-anak at kaibigan.

Kahit hirap sa buhay at walang regular job, pinagkakatiwalaan ang aktres ng mga inuutangan nito dahil marunong siyang tumupad sa pangako.

Marami ang nanghihinayang sa sinapit ng former actor dahil kung hindi siya nalulong sa masamang bisyo, malaki sana ang maitutulong niya sa kanyang ina na ginagawa ang lahat para makaraos sila sa araw-araw.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results