Boobay at Tekla, dedma lang sa pasabog ni Ion Perez sa GGV

by Jojo Gabinete
Mar 16, 2019
Dedma lang sina Boobay at Tekla (left) sa inaabangang pag-amin ni Ion Perez sa relasyon nila ni Vice Ganda (right) sa episode ng Gandang Gabi Vice na ipapalabas bukas, Linggo, March 17.
PHOTO/S: GMA PR / @praybeytbenjamin on Instagram

Business as usual para sa mga host at staff ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) kaya wala silang paghahanda na ginawa para tapatan o higitan ang much-publicized alleged admission ni Ion Perez sa Gandang Gabi Vice na may relasyon sila ni Vice Ganda.

Reportedly, bukas mapapanood sa Sunday night talk show ni Vice ang “love wins” moment nila ni Ion na nagkaroon ng showbiz career bilang Kuya Escort ng Miss Q & A segment ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓

Matagal nang usap-usapan na may relasyon sina Vice Ganda at Ion, pero walang kumpirmasyon hanggang mangyari ang diumano’y pag-amin ng huli sa recent taping ng Gandang Gabi Vice.

Out of curiosity, isang staff member ng The Boobay and Tekla Show ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa itatapat nila sa pinag-uusapan na pag-amin ni Ion sa kanilang kalaban na programa.

Sinabi ng TBATS insider na dapat abangan ang Prank You! segment ng show nina Boobay at Tekla dahil riot ang eksena ni Rhian Ramos at ng isang guwapo na delivery boy na walang kamalay-malay na biktima siya ng prank.

According to the insider, ang Prank You! ang isa sa mga pinakamalakas na segment ng comedy talk show nina Boobay at Tekla.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dedma lang sina Boobay at Tekla (left) sa inaabangang pag-amin ni Ion Perez sa relasyon nila ni Vice Ganda (right) sa episode ng Gandang Gabi Vice na ipapalabas bukas, Linggo, March 17.
PHOTO/S: GMA PR / @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results