Papa Pogi direktor, na-prank call nina Teddy Corpuz at Myrtle Sarrosa

by Jojo Gabinete
Mar 16, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

Prank victim nina Teddy Corpuz at Myrtle Sarrosa si Alex Calleja, ang direktor ng Papa Pogi, ang pelikula nila na may playdate sa mga sinehan sa March 20.

Magkasamang nag-promote sina Teddy at Myrtle ng Papa Pogi sa radio program ni DJ Eva Ronda na popular sa mga on-air prank call sa mga artista.

Continue reading below ↓

Tinawagan ni Teddy si Alex sa cellphone nito para pakiusapan na i-edit sa Papa Pogi ang kissing scene nila ni Myrtle dahil nagseselos ang kanyang misis na si Jasmine.

“Sinabi ko sa kanya yung kissing scene kay Myrtle.

“Comedy naman yun, di ba? Hindi niya ma-gets.

“Sabi ko, kailangan mo siyang mapanood. Ngayon, nagagalit siya sa akin 'tapos sabi niya, ‘Itanong mo na lang kay Direk kung puwedeng i-delete,'” ang sumbong ni Teddy kay Alex.

Idinagdag ni Teddy na tinawagan na rin ni Jasmine ang kanyang manager na si June Rufino.

May balak din ang misis ni Teddy na tawagan ang Regal Entertainment Inc. producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde para hilingin na tanggalin ang kissing scene ni Myrtle at ng kanyang mister.

“Ang totoo lang, madugo yung scene na yon so ang gagawin namin, hindi namin ibababad.

“Pare, huwag kang mag-alala. Sabihin mo, panoorin muna niya,” ang depensa pero may pag-aalala sa boses na sagot ni Alex dahil sa kuwento ni Teddy na inaaway na rin si Myrtle ng kanyang asawa.

Continue reading below ↓

“Titingnan ko mamaya sa editing, pero maaayos namin yan pero hindi namin siya matatanggal,” sabi pa ni Alex nang makausap niya si Myrtle na nag-confide na naiiyak na siya dahil sa private message na ipinadala sa kanya ng asawa ni Teddy.

Nagpanggap si DJ Eva Ronda na ito si Jasmine nang siya naman ang nakipag-usap kay Alex.

Inulit ni Eva ang demand na burahin ang kissing scene sa Papa Pogi dahil nakakasira ito sa reputasyon ni Myrtle at maraming kabataan ang nagagalit.

Dahil nagkakandautal na si Alex sa pagpapaliwanag, inamin na nina Teddy, Myrtle at Eva na prank victim ang Papa Pogi director na gustong magmura nang malaman niya na pinaglalaruan lamang siya ng kanyang mga kausap sa telepono.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results