Billy Crawford at James Reid, pareho ang kanilang top singer

IMAGE @vivaliveofficial on Instagram


Out of the country si Billy Crawford dahil special guest ito sa AnneKulit concert tour ni Anne Curtis sa Canada, kaya hindi siya makakasama nina James Reid at Sam Concepcion sa pagbisita ngayong hapon, March 17, 4 p.m., sa Yellow Gate ng Smart Araneta Coliseum.

Sina James at Sam ang personal na magbebenta sa unang limampung fans na bibili ng tickets para sa The CR3W, ang concert nila na magaganap sa Big Dome sa April 5, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago umalis si Billy para sa Canada concert nila ni Anne, nag-iwan siya ng inspiring words na ikinatuwa nina James at Sam. Sinabi ni Billy na nagulat siya nang unang beses na marinig kumanta si James dahil may sarili ito na identity.

"I was really shocked noong unang beses na narinig ko siya. He has his own identity. He's not trying to be like anybody else, and sorry but he’s got balls.

"He doesn’t take no for an answer that's why I like this guy kasi I respect him for that. He's really is passionate about music, he's a producer, a songwriter, he owns his own record company."

Inamin ni Billy na marami siyang natutunan mula kina James at Sam, kahit mas nakababata sa kanya ang dalawa.

"I really take a lot from them. For me, it really is God's plan sa akin because I finished my album exactly on time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like for my first single, 'Filipina Girl,' kasama ko si James so they're influences sa buhay ko," ang sabi ni Billy na puring-puri ang professionalism at passion sa music ng mga kasama niya sa The CR3W.

Nakaramdam naman ng pressure si Sam sa pahayag ni James na siya ang favorite singer of all time ng kanyang bestfriend.

Lalong na-flatter si Sam sa binitiwan na salita ni Billy na, "I have top two male singers dito sa Pilipinas, Jay-R and Sam."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN