Pinoy host ng Eat Bulaga Indonesia, host na ng It's Showtime Indonesia

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Leo Consul

Sa March 25 ang pilot telecast ng It’s Showtime Indonesia.

Kinumpirma ito nina Vice Ganda, Karylle, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa kanilang programa ngayong tanghali, March 19.

Sino kaya ang mga counterpart nila sa It’s Showtime Indonesia ang tanong sa isa’t isa nina Vice Ganda, Jhong, at Vhong.

Nagsalita si Vice na iba ang kultura sa Indonesia dahil bawal dito ang mga beks kaya baka hindi siya magkaroon ng counterpart sa Indonesian franchise ng kanilang popular noontime show sa ABS-CBN.

Ang former Eat Bulaga! Indonesia Filipino co-host na si Leo Consul ang nagbigay ng ilang detalye tungkol sa It’s Showtime Indonesia dahil kasali rin siya sa programa ng MNCTV.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Leo na masaya siya at ipinagmamalaki niyang isa siya sa mga host ng It’s Showtime Indonesia.

Co-host ni Consul sa Bahasa version ng It’s Showtime ang Indonesian personalities na sina Raffi Ahmda, Luna Maya, Chikka Jessica, at Indra Herlambang.

Tumagal lamang ng isang taon (2012 to 2013) ang hosting stint ni Leo sa Eat Bulaga! Indonesia, na nagpaalam naman sa ere noong August 2016.

Kaya umaasa ang mga tagahanga ni Leo magtatagal siya bilang host ng It’s Showtime Indonesia.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Leo Consul
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results