Andrea Torres, first leading lady ni Derek Ramsay bilang Kapuso?

by Jojo Gabinete
Mar 20, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Matagal nang usap-usapan ang paglipat ni Derek Ramsay sa GMA-7, pero hindi pa nagaganap ang contract signing niya.

Muling lumutang ang balitang malapit nang pumirma ng kontrata si Derek sa mga susunod na araw dahil kasado na ang unang television assignment niya sa Kapuso Network.

Ito ay ang drama series na may working title na The Better Woman.

Si Andrea Torres ang sexy actress na napapabalitang makakapareha ni Derek sa The Better Woman, na mapapanood sa afternoon prime block ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Kahapon, March 19, lumabas sa isang Instagram post ang litrato ni Andrea, kasama ang Kapuso director na si Mark Sicat dela Cruz at ang ibang mga executive ng GMA-7.

May caption na “soon” ang litrato kaya nagkaroon ng mga speculation na si Mark ang direktor ng unang television assignment ni Derek sa bagong home network nito.

Si Mark ang direktor ng Dear Uge, ang Sunday comedy anthology ni Eugene Domingo, at ng Asawa Ko, Karibal Ko, ang katatapos na drama series ng GMA-7.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results