Aktor, matagal na ang relasyon sa boyfriend na gym buff


Sobrang malihim ang isang aktor kaya walang nakakaalam sa kanyang personal na buhay, pero matagal nang pinagdududahan ang sexual preference niya.

Nagsimula ang showbiz career ng aktor noong dekada ’90 at nagkaroon siya ng pangalan sa movie industry nang mabigyan ng break sa isang controversial but critically-acclaimed movie.

Kasabay ng pagsikat ng aktor ang pagiging secretive nito sa kanyang personal life at love life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang alam ang publiko tungkol sa mga nakakarelasyon ng aktor, hanggang makausap namin noong nakaraang linggo ang kanyang kaibigan na walang koneksyon sa entertainment industry.

Walang kamali-malisyang ikinuwento ng kaibigan ng aktor na may boyfriend ito—isang gym buff na mahilig sumali sa mga contest.

Matagal na raw ang relasyon ng dalawa kaya malalim na ang tiwala nila sa isa’t isa.

As a matter of fact, ipinagkatiwala ng aktor sa kanyang boyfriend ang pamamahala sa negosyo na ipinundar niya.

Naniniwala ang kaibigan ng aktor na natagpuan nito ang soulmate sa katauhan ng gym buff kaya ingat na ingat silang malaman ng publiko ang tungkol kanilang same-sex relationship.

Sa ngayon, hindi puwedeng aminin ng aktor sa publiko ang "love-wins situation" nila ng kanyang boyfriend dahil sa takot na makaapekto ito sa acting career na source of livelihood niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN