Ang hindi normal childhood ng aktres ang sinasabing dahilan kaya malakas ang insecurity niya at competitive siya.
Madalas ipinapatawag ang aktres sa opisina ng talent management agency na namamahala sa career niya dahil sa mga isyung kinasasangkutan, mostly personal, tulad ng pakikipag-away sa kanyang co-star at pakikipagrelasyon sa kapwa-artista.
Sa tuwing lumalabas ng opisina ang aktres, mugto ang kanyang mga mata sa pag-iyak dahil madalas na nasesermunan siya.
Nasubaybayan namin ang pagsisimula ng showbiz career ng aktres na mula sa pagiging kimi at tahimik, biglang naging madaldal at overconfident dahil may gustong patunayan sa sarili.
Pero may negative effect ang pagiging biba ng aktres dahil annoying na siya.
Sa joint interview sa kanila ng co-star niya sa isang television project, kitang-kita ang pananapaw na ginawa ng uhaw sa atensiyon na aktres.
Kahit ang kanyang co-star ang tinatanong, ang aktres ang sumasagot.
Kahit Tagalog ang mga tanong, Ingles nang Ingles ang aktres na kulang na lang na ipagsigawan na “Look at me. I’m smart, I’m intelligent!”
Sa recent promo guesting ng aktres at ng ibang mga kasamahan niya sa isang television show, siya na naman ang bumangka at nagpabibo.
Imbes na katuwaan, kinainisan ang aktres dahil nahahalata nang sinasadya nitong magpapansin para makuha niya ang atensyon ng lahat.
Malaki ang posibilidad na maging monster ang aktres, isang bagay na pinaghahandaan ng mga tao sa kanyang paligid na nangakong hindi nila papayagang lumaki ang ulo niya at magbigay pa ng mas maraming problema.