Jason Abalos, clueless kung bakit sumali ulit sa Bb. Pilipinas si Vickie Rushton

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Jason Abalos ang dahilan ng pagbabago ng isip ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton.

Wala nang plano si Vickie na muling sumali sa Binibining Pilipinas dahil sa katuwirang wala na siyang dapat patunayan pa matapos tanghaling first runner-up sa 55th edition ng nabanggit na beauty pageant noong nakaraang taon.

Pero nagbago ang isip ni Vickie at isa siya ngayon sa official candidates ng Binibining Pilipinas 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Jason, "Si Vickie, parang last minute lang nag-decide.

"Noong una, ayaw na niya kasi wala na raw siyang kailangan pang patunayan.

"Parang okey nang kahit papaano, naging first runner-up siya. Happy na siya sa naging resulta noon.

"Pero hindi ko alam kung ano yung nagpa-decide sa kanya na sumali uli.

"Ngayon, nakikita ko yung excitement niya, sobrang driven siya na 'kailangan gawin ko ito.'

"Kumbaga, sabi ko sa kanya, 'Na-enjoy mo last year, 'eto kako, kailangan mo nang ilaban.'

"Kahit yung mga comment sa kanya ng mga tao, iba ang aura ngayon ni Vickie.

"Dati, sobrang mahiyain siya talaga. Hindi makabasag-pinggan.

"Pero siguro nakita niya na laban talaga."

Nakausap ng Cabinet Files si Jason sa presscon ng Bihag, ang bagong afternoon drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila nina Max Collins, Mark Herras, Neil Ryan Sese, at Sophie Albert.

Bukod sa moral support na ibinibigay niya, ang ituring na kalaban ang lahat ng mga kandidata at saka makipagkaibigan ang payo ni Jason sa kanyang karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko sa kanya, 'Kung magiging mapagkaibigan ka, hintayin mo silang matapos, saka mo sila gawing kaibigan dahil kumpetisyon pa rin 'yan.

"'Laban mo 'yan, hindi 'yan laban ng kahit sino, ikaw 'yan.'

"Ako naman, kung ano yung suporta ko sa kanya, siyempre, kailangan niya ng moral support.

"Sabi ko sa kanya, 'Kung anuman ang pangangailangan mo na puwede kong ibigay, handa ako na ibigay.'

"Gusto ko na ma-expose siya nang ma-expose diyan dahil ayokong dumating ang panahon na pagtanda namin, hindi niya nagawa yung gusto niya dahil nagpakasal kami.

"Gusto ko na ma-maximize ni Vickie ang mga gusto niya na gawin," ani Jason.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN