Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Vice Ganda at Ion Perez, bawal interbyuhin tungkol sa relasyon nila?

by Jojo Gabinete
Mar 26, 2019
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @ion_perezescort on Instagram

Maliban sa mga news report tungkol sa rumored relationship ni Vice Ganda at ng It’s Showtime Kuya Escort na si Ion Perez na mula sa video excerpts ng noontime show ng ABS-CBN at Gandang Gabi Vice, mapapansing walang direktang interview sa dalawa na mapapanood sa mga entertainment news segment ng mga programa ng Kapamilya Network.

Diumano, may "directive" na hindi puwedeng gawin o galawin ang love story ng mga nabanggit na personalidad.

Continue reading below ↓

Hindi maiwasang mapag-usapan ng publiko, particularly ng viewers ng It’s Showtime, ang napapabalitang apat na buwan nang relasyon nina Vice at Ion dahil sa mga eksena nila sa kanilang noontime program.

Ang madalas na panunukso sa dalawa ng mga co-host ng It’s Showtime ang nagbibigay ng idea sa viewers na totoo at hindi basta tsismis lang ang kanilang rumored romance.

Kaya kahit ipinagbabawal na interbyuhin sila, mas higit pa ang nalalalaman at nakikita ng publiko.

Sa March 25 episode ng It’s Showtime, wala si Vice, pero siya ang topic ng palitan ng mga salita nina Ion at Jackque Gonzaga sa "Kaparewho" segment.

Mismong si Ion ang nagbibigay sa publiko ng hint tungkol sa special friendship nila ni Vice dahil sa kanyang sagot nang itanong sa kanya ni Jhong Hilario ang mga gusto niyang sabihin kay Vice.

Sagot ni Ion, "Alam ko na nanonood ka, pero kain ka lang na mabuti diyan at mag-ingat ka. Susunduin kita mamaya."

Continue reading below ↓

Ito naman ang sagot ni Ion sa sinabi ni Jackque na hindi nito kailangan ng waze at address para marating ang kinaroroonan ng kanilang pinag-uusapan dahil papunta kay Vice ang puso niya:

"Aminado naman ako na walang direksiyon yung boses ko, pero alam ko, yung puso at isipan ko, may direksiyon sa address na kung nasaan siya."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @ion_perezescort on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results