Edu Manzano at Mark Lapid, nagpaalam na sa Ang Probinsyano

by Jojo Gabinete
Mar 28, 2019
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram

Dalawang karakter sa FPJ's Ang Probinsyano ang nagpaalam ngayong gabi, sina President Lucas Cabrera at Anton Del Mundo na binigyang-buhay nina Edu Manzano at Mark Lapid, respectively.

Hindi na puwedeng patagalin ang participation nina Edu at Mark sa prime-time action drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin dahil sa kanilang mga kandidatura.

Continue reading below ↓

Kandidato si Edu bilang kongresista sa lone district ng San Juan City, at tatakbo si Mark na alkalde sa Porac, Pampanga.

Dahil si Coco ang lead actor ng FPJ's Ang Probinsyano, siya ang pumatay sa ruthless president of the Philippines na ginampanan ni Edu.

Ang karakter naman ni John Arcilla ang bumaril kay Mark.

Hindi na makakalimutan ni Edu si Lucas Cabrera dahil tumatak sa lahat ang pangalan at ang role niya sa FPJ's Ang Probinsyano.

President Lucas Cabrera na ang tawag kay Edu ng mga tao na nakakasalamuha niya sa araw-araw, lalo na kapag nag-iikot siya sa San Juan City.

Continue reading below ↓

To top it all, nanalo si Edu ng acting ng award para sa karakter na binigyang-buhay niya sa FPJ's Ang Probinsyano.

Nagulat si Edu nang malaman nito na siya ang hinirang na best supporting actor for television series sa 17th Gawad Tanglaw, para sa performance niya sa primetime television series ng Kapamilya Network.

"I am overwhelmed!!! Maraming salamat Gawad Tanglaw for the recognition.

"Thanks likewise to the cast, crew and staff of Ang Probinsiyano.

"To Coco Martin and ABS-CBN I’ll forever be grateful for having been given the chance to play Lucas Cabrera.

"Wow. I never thought that I would still get an award at this point in my career.

"Sobra rin ang pasasalamat ko sa aking Ang Probinsyano family. Para sa ating lahat ito.

"Lucas Cabrera will not be Lucas Cabrera without all of you guys. Again, salamuch.

By the way, nagpaalam si Edu at humihingi ng paumanhin sa lahat ng kanyang mga kaibigan na matagal niyang hindi makikita.

Continue reading below ↓

Mula March 29 hanggang May 11, 2019, ilalaan ni Edu ang buong panahon niya sa kanyang mga kababayan sa San Juan City.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results