Harlene Bautista, tikom pa rin ang bibig sa identity ng boyfriend

by Jojo Gabinete
Mar 31, 2019
Ayaw pa ring magsalita ni Harlene Bautista tungkol sa identity ng kanyang boyfriend, kahit naka-move on na siya sa breakup nila ni Romnick Sarmenta.
PHOTO/S: Noel Orsal

Tikom pa rin ang bibig ni Harlene Bautista tungkol sa identity ng boyfriend niya sa tuwing inuusisa siya ng entertainment writers.

Katulad ng nangyari kahapon, March 30, sa story conference ng In the Name of the Mother, ang bagong project ng kanyang movie company, ang Heaven's Best Entertainment Productions.

Continue reading below ↓

Naging matipid si Harlene sa pagsagot, pero sinabi nito na ang kanyang kaibigang si Jennifer Sevilla ang unang nakaalam tungkol sa bagong karelasyon niya.

Nang mapag-usapan ang lumabas na litrato ng kanyang ex-husband na si Romnick Sarmenta na may kasamang babae sa isang non-showbiz event sa Novotel noong November 2018, sinabi ni Harlene na “Wala naman picture na holding hands.”

Ipinagtapat ni Harlene na matagal nang hindi husband and wife ang relasyon nila ni Romnick bago pa sila naglabas ng joint official statement noong October 2018 tungkol sa paghihiwalay nila.

“Before that official statement, matagal na kaming wala, saka lang kami nagkaroon ng mga karelasyon,” sabi pa ni Harlene.

Wala nang guilt na nararamdaman si Harlene sa pakikipaghiwalay kay Romnick dahil sa mga balitang nakakarating ngayon sa kanya.

Dati-rati, tinatanong ni Harlene ang sarili kung tama ba ang desisyon niyang makipaghiwalay na nagkaroon ng mga kasagutan ilang buwan matapos maging public ang breakup nila ng kanyang ex-husband.

Continue reading below ↓

“Mas lalong luminaw sa akin ngayon na mag-move on na ako.

“Ito kasing desisyon ko, sabi ko nga, talagang years [na pinag-isipan].

“Even yung doctor ko, sabi ko dati, 'Mali ba ako, yung desisyon ko na makipaghiwalay?'

“Sabi niya, ‘Hindi, tama nga 'yan, e. Kasi yung decision mo, hindi dahil galit ka, hindi dahil nag-away kayo, kundi talagang pinag-aralan mo 'yan,'” pahayag pa ni Harlene.

Bakas sa mukha at pananalita ni Harlene ang genuine happiness and peace na kanyang nararamdaman.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw pa ring magsalita ni Harlene Bautista tungkol sa identity ng kanyang boyfriend, kahit naka-move on na siya sa breakup nila ni Romnick Sarmenta.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results