Sharon Cuneta, apat na oras pinaghintay ang audience sa California concert niya

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2019
PHOTO/S: Instagram

"Nasaan ang hustisya?" ang tanong ng mga naghintay sa pagsisimula ng concert ni Sharon Cuneta sa Alex Theater, Glendale, California, noong Sabado, March 30 (Sunday, March 31, Philippine time).

Ito ay delayed ng mahigit sa apat na oras ang 40th anniversary show ng Filipina singer-actress.

May valid reason ang pagkakaantala ng concert ni Sharon, na mag-uumpisa ng 7:30 P.M. pero 11 P.M. na nang magsimula.

Continue reading below ↓

Dahil sa engine problems sa eroplano na sinakyan niya mula sa Toronto, Canada, na-delay ang kanyang biyahe papunta sa Amerika.

Ang US-based Philippine Star contributor na si Raymond Lo ang kabilang sa mga nanood ng concert ni Sharon.

Ayon sa kanya, sa kabila ng matagal na paghihintay, mainit pa rin ang pagtanggap kay Sharon ng audience na hinintay magsimula ang show na nag-umpisa ng 11 P.M. at natapos ng 1 A.M.

"Only Sharon Cuneta can make her fans wait a couple of hours (though no fault of her own) and still be warmly and lovingly received by her diehard Sharonians!

"Sharon ended her 2019 North American concert tour at the Alex Theater in Glendale, CA at past 1AM this morning after her AirCanada flight was delayed in Toronto due to engine problems.

"She took to the stage at about 11PM, still clad in her flight wardrobe, barely made-up and profusely and sincerely apologized to her fans who patiently waited for her (some coming to the venue as early as 5PM.)

Continue reading below ↓

"The show did not disappoint. Sharon sang nearly all of her signature hits (now considered OPM classics) and delighted the audience with anecdotes about her childhood, career and her colorful lovelife.

"Truly, Sharon is the Philippines’ last true megastar!'" kuwento ni Raymond tungkol kay Sharon.

Hindi na nagawang magpalit ng damit ni Sharon kaya yoga pants ang suot nang mag-perform sa last leg ng kanyang concert tour.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta, Megastar
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results