Lolit Solis at Arnell Ignacio, nagpatutsada sa alleged video scandal ni Jim Paredes

by Jojo Gabinete
Apr 1, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

Tungkol sa "sexual urges" ang topic ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post ngayong araw, April 1.

Inihalintulad niya sa sudden sadness na nararamdaman ng mga tao ang sexual urge na bigla na lang dumarating at bigla rin nawawala.

Pero imbes na matuwa at magkaroon ng instant sexual urge, nairita si Lolit nang mapanood nito ang alleged private video ng veteran singer na si Jim Paredes.

Continue reading below ↓

Pagkainis ang initial reaction ni Lolit nang nakita nito na alleged video scandal ni Jim dahil abala siya sa panonood ng Koreanovela.

“Potah ka! Mas maganda ang watch ko na Koreanovela noh! Kadiri ha? Akala mo, good boy, j…l….j…l pala. Wehh!” sabi ni Lolit.

May hugot si Lolit laban kay Jim dahil minsan na siyang tinawag noong "demented woman" ng former member ng APO Hiking Society.

Hindi pa rin nakakalimutan ni Lolit ang sinabi noon ni Jim na "kanser sa society" ang kanyang pinakamamahal na talent na si Bong Revilla Jr.

“Hoy, mas cute naman ang Koreanovela kesa sa kanya noh! Tinawag pa niya ako noon na demented at cancer daw sa society si Bong. Hay naku, magtigil siya ngayon noh!” litanya ni Lolit.

View this post on Instagram

Salve siguro naman naramdaman mo na ngayon iyon kung minsan bigla na lang tatamaan ka ng lungkot. Kung minsan bigla para bang may feeling of emptiness ka or kung minsan meron kang melancholia. Siguro iyon ang dumarapo sa ilan na bigla na lang kinikitil ang buhay nila. Iyon mga balita tungkol sa mga bata na nag-suicide dahil napagalitan, sa mababa ang grade o mga dahilan mababaw lang naman pero naging dahilan para kitlin nila ang buhay nila. Kung medyo mahina ang loob mo, at nagkaroon ka ng mood swing o bigla nga makaramdam ka ng lungkot pag hindi ka emotionally strong o mature enough puwede nga hindi mo makaya. Iyon feeling empty ka, iyon minsan iyon tinatanong mo sarili mo bakit ba nandito pa ako sa mundo. Iyon ang feeling na dapat ma-overcome mo, iyon damdamin kailangan labanan mo. Nadadala iyon sa dasal kung minsan ipahinga mo lang ang utak mo pag meron bagyo sa puso mo, basta labanan mo in a way na kaya mo. Hindi naman nagtatagal iyan, gaya ng sexual urges, bigla lang darating, bigla din nawawala, iyan yata ang intricacy ng ating utak at katawan. Kaya labanan lang, huwag patalo. Para din iyan traffic, maghintay ka lang, aandar din, mali-late ka lang pero darating ka pa rin. Fight. #classiclolita #takeitperminute #72naakosamay ????????????????

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Hindi nag-iisa si Lolit dahil may reaksiyon din si Arnell Ignacio sa sinasabing April Fools' Day video ni Jim.

Continue reading below ↓

Gaya ni Lolit, may kinikimkim ding sama ng loob si Arnell laban kay Jim na isa sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong February 2017, hinamon ni Arnell ng live debate si Jim dahil hindi niya nagustuhan ang ginawang pagtataboy ng veteran singer sa young Duterte supporters na sumipot sa 31st EDSA Revolution anniversary celebration.

“When you were shouting at them, they didn’t answer back in a fashion similar to yours. Probably they just didn’t know how 'EDSA has no exclusivity.' Remember, you invited everybody to come. They did.

“Why don’t you take somebody who will answer you back? Si Bruce Rivera o kaya ako. Let’s do this… live,” hamon na ipinarating noon ni Arnell sa 67-year-old singer.

Apparently, napanood na rin ni Arnell ang pinag-uusapang alleged private video ni Jim kaya nakapagsalita siya ng:

"Now, more people are looking at you and puking. Mukhang hanggang 2022, walang l…g lahat ng nakapanood. Warning."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results