Nonong "Bangkay" de Andres, above the title ang billing sa last movie niya

by Jojo Gabinete
Apr 3, 2019
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN

Ngayong Miyerkules, April 3, ang opening day sa mga sinehan ng Portrait of My Love—ang romantic-comedy movie na tinatampukan nina Kiray Celis at Polo Ravales.

Ang Portrait of My Love ang unang attempt sa movie production ng mag-asawang Rojer at Jane Totanes ng RJ7 Films Entertainment.

Ang SM North Edsa Cinema 6 ang venue kagabi, April 2, ng premiere ng pelikula na malinaw na malinaw na inspired ng Ghost, ang 1990 blockbuster movie nina Demi Moore at Patrick Swayze.

Continue reading below ↓

Hindi pa isinisilang si Kiray nang ipalabas sa mga sinehan ang Ghost, pero tiyak na may nakapagsabi sa kanyang kinopya sa naturang pelikula ang ilan sa mga eksena ng Portrait of My Love.

Tawang-tawa ang babae sa aming likuran habang pinapanood ang Polo-Kiray starrer kaya natawa rin kami dahil sa kanya.

Kung nagustuhan ng mga kabataang nanood kagabi ang Portrait of My Love, siguradong magugustuhan din ito ng mga senior citizen na nami-miss na ang brand of comedy na pinasikat ni Mang Dolphy at ng contemporaries nito.

Tampok sa Portrait of My Love ang character actor na si Nonong "Bangkay" de Andres, na winakasan ang sariling buhay noong noong November 6, 2018 sa Plaridel, Quezon.

Continue reading below ↓

Nakapanghihinayang dahil hindi na nahintay ni Nonong na ipalabas sa mga sinehan ang huling pelikula niya.

Kung nabubuhay pa si Nonong, imposibleng hindi siya matuwa sa importansiya na ibinigay sa kanya ng Totanes couple dahil above the title ang billing ng kanyang pangalan sa mga poster ng Portrait of My Love.

Reportedly, P12 million ang ginastos ng RJ7 Films Entertainment producers.

Kaya sana, tangkilikin ng moviegoers ang kanilang initial presentation para mabawi nila ang puhunan at masundan pa ang mga movie project ng mag-asawa na nagbigay ng hanapbuhay at pagpapahalaga sa mga character actor na apektado ng slump sa local movie industry.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
PHOTO/S: Courtesy of ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results