Aktres na biglang nawala sa sirkulasyon, protektado ng TV network?


May "news blackout" sa isang television network tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng aktres na ilang buwan nang hindi active sa showbiz.

May "unspoken rule" ang network management sa mga news reporter nitong hindi puwedeng galawin o maglabas ng balitang may kinalaman sa aktres bilang proteksiyon sa mga personalidad na sangkot sa isyu.

Ang "unspoken rule" ng network management ang lalong nagpatibay sa hinalang may katotohanan ang mga impormasyon tungkol sa bagong kabanata sa buhay ng aktres, na bigla na lamang nawala sa sirkulasyon mula pa noong October 2018.

Dahil sa "unspoken rule," parang itinali ang kamay ng mga news reporter na walang choice kundi ang sundin ang kagustuhan ng management.

Pinanghahawakan na lang nila ang paniniwalang, sooner or later, lalabas din ang katotohanan sa tunay na dahilan ng sudden and mysterious disappearance ng aktres.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN