Jerald Napoles, na-starstruck kay Gabby Concepcion

IMAGE Noel Orsal

Gaya ni Jennylyn Mercado, starstruck si Jerald Napoles nang makatrabaho nito sa unang pagkakataon si Gabby Concepcion sa Love You Two, ang primetime series ng GMA-7 na mapapanood simula sa April 22, Lunes.

Magkapatid sina Jerald at Jennylyn sa Love You Two, pero ayon sa singer-comedian, hindi na ipinaliwanag sa kuwento kung bakit malayo ang hitsura nila sa isa’t isa.

Nag-umpisa ang taping ng romantic-comedy series ng Kapuso Network dalawang buwan na ang nakalilipas kaya nagkasama na sina Jerald at Gabby sa mga eksena.

Ipinagtapat ni Jerald na intimidated siya kay Gabby noong una dahil sikat at nirerespetong artista ang kanyang co-star.

"Si Kuya Gabby, parang kaedad [ko] lang, e.

"Minsan sa tent, naka-ganyan [nakatitig] lang ako sa kanya.

"Kasi sabi ko sa kanya, patay na patay pa rin ang nanay ko sa kanya [mula] noong dalaga pa.

"Grabe ano? Bago pa mag-Piolo Pascual, bago pa mag-Dingdong Dantes, Gabby Concepcion na siya.

"Pero bagets pa rin ang energy kaya hindi ko siya tinatawag na tito," very fan na sabi ni Jerald sa presscon ng Love You Two na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network nitong Huwebes ng gabi, April 11.

Hindi nagkakalayo ang edad ni Gabby at ng nanay ni Jerald kaya hindi nakapagtatakang fan ang huli ng aktor na matinee idol noong dekada ’80.

Dahil tagahanga ni Gabby ang ina ni Jerald, nag-request ito ng video greeting para sa nanay niya.

Kahit parang tatay na ni Jerald si Gabby, hindi raw niya matawag na tito ang kanyang co-star dahil sa bagets attitude nito.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN