Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Claudine Barretto, inaming ang kapatid na si Gretchen ang tumutulong sa kanya ngayon

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2019
PHOTO/S: Claudine Barretto Instagram

Mauuna nang ipalabas sa April 22, 2019 ang guesting ni Claudine Barretto sa Tonight with Boy Abunda.

Ito ay dahil ipu-promote niya ang April 27 episode ng Maalaala Mo Kaya na tatampukan nila ni Jameson Blake, mula sa direksiyon ni Raz dela Torre.

Hindi lamang ang pagbabalik ni Claudine sa Maalaala Mo Kaya ang napag-usapan nila ni Boy Abunda sa talk show nito dahil kinumusta rin ng TV host ang relasyon nila ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto.

Continue reading below ↓

Ayon sa isang eyewitness, sinabi ni Claudine sa taping ng guesting niya sa Tonight with Boy Abunda na si Gretchen ang tumutulong sa kanya ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagugulat ang mga nakakakita kay Claudine dahil malaki na ang ipinayat niya, na isang palatandaang handang-handa na siyang maging active uli sa propesyon na naging mabuti sa kanya.

Hindi lamang ang nalalapit na paglabas ni Claudine sa weekly drama anthology ni Charo Santos-Concio ang inaabangan ng kanyang supporters at followers.

Ipinagdarasal din nilang matuloy na ang planong pagsasama ng aktres at ni Piolo Pascual sa isang movie project.

Labinlimang taon na ang nakalilipas mula nang magtambal sina Piolo at Claudine sa Milan ng Star Cinema, kaya sabik na ang kanilang mga tagahanga na magkaroon sila ng reunion movie.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Claudine Barretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results