Tsismis na mag-on sina Michelle Dee at Mikee Quintos, kapwa-aktres ang source?

by Jojo Gabinete
Apr 17, 2019
PHOTO/S: Instagram

Hopefully, makatulong ang paglilinaw ni Michelle Dee sa presscon ng Love You Two ng GMA-7 na walang katotohanan ang mga tsismis na may same-sex relationship sila ni Mikee Quintos, kahit hindi kumbinsido ang iba sa kanyang denial.

Si Michelle ang youngest daughter ng former Miss International na si Melanie Marquez at ng ex-husband nito at dating aktor na si Derek Dee.

Continue reading below ↓

Hindi sorpresa na nabigyan ng malisya ang closeness ng magkaibigang sina Michelle at Mikee, dahil noong araw ay napagdudahan din ang sexual orientation ni Melanie, na tinawanan lang ang mga ganoong tsismis.

Ang bali-balitang may boyfriend na si Mikee ay posibleng makatulong din para mahinto na ang mga hinala tungkol sa pagiging magkaibigan nila ni Michelle.

Dahil tinuldukan na ni Michelle ang kontrobersiya, dapat maging maingat na sila ni Mikee sa pagpili ng mga kaibigan, dahil ilan sa mga ito ang hindi loyal sa kanila.

Kung mag-iimbestiga nang mabuti ang dalawa, malalaman nilang ang ilan sa kanilang mga pinagkakatiwalaang kaibigan ang source ng balita, gaya ng kapwa nila aktres na si A.

Sa isang dinner na pinuntahan ni A, nagkuwento ito tungkol sa "special friendship" nina Michelle at Mikee, kahit hindi siya tinatanong ng kanyang mga kausap.

Weird ang ginawa ni A dahil first time lamang nito na nakilala at nakausap ang mga tao na kinuwentuhan niya tungkol sa closeness nina Michelle at Mikee na binigyan ng ibang kahulugan.

Continue reading below ↓

Dahil sa denial ni Michelle sa presscon ng Love You Two, kung hindi man nabawasan ay nawalan ng kredibilidad si A, na siyang nagkalat ng tsismis.

But at the end of the day, sina Michelle at Mikee pa rin ang tunay na nakakakilala sa kanilang mga sarili at siyang nakakaalam ng katotohanan.

Read Next
Read More Stories About
Michelle Dee, Mikee Quintos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results