Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Male TV personality, nilaglag ng manager dahil baliw sa pag-ibig

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Anytime this month ang inaasahan na pag-alis sa Pilipinas at pagbalik sa sariling bansa ng male television personality na kinalaban ang kanyang manager nang dahil sa pag-ibig.

Pinilit ng male television personality na makipag-ayos sa manager niya pero huli na ang lahat.

Hindi nagbago ang isip ng manager na bitawan ang pamamahala sa showbiz career ng male television personality na na-in love nang husto sa sexy aspiring actress na nagsasama sa kanya sa mga out-of-town-show nang lingid sa kaalaman ng mentor at discoverer niya.

Continue reading below ↓

Bukod sa kawalan ng respeto ng male television personality sa kanyang manager, gusto nila ng kanyang girlfriend na ilantad sa publiko ang kanilang relasyon.

Tutol ang manager sa nais na mangyari ng male television personality.

Sa mga karanasan niya bilang seasoned talent manager, siguradung-sigurado siya na makakasira sa career ng kanyang alaga ang kagustuhan nito na ipakilala sa mga tao ang karelasyon.

Besides, napagod na ang manager sa pagtatakip sa tunay na ugali ng male television personality kaya nag-apologize siya sa mga tao na kanyang sinabihan na mabait at hindi nagbibigay ng problema ang talent niya.

Nahihirapan na rin ang manager na pagtakpan ang katotohanan na live-in partners na ang male television personality at ang aspiring actress na may anak sa pagkadalaga.

Read Next
Read More Stories About
blind item
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results