Kinunan sa South Korea ang last remaining scenes ng Indak, ang dance movie na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.
Ito ang unang movie project ng ace concert director ng Viva na si Paul Basinillo.
Anim na araw na nananatili ang cast at crew ng Indak sa South Korea para sa shooting ng mga eksena na importante sa kuwento ng pelikula.
Tungkol sa mga pangarap na dapat matupad ang plot ng Indak, at goal ng mga karakter na ginagampanan nina Nadine at Sam ang sumali sa isang international dance competition.
Ayon kay Paul, perfect na setting ng world dance competition scene ang South Korea dahil itinuturing itong pop culture hub.
"We went to different iconic places in South Korea and collaborated with Korean dancers," kwento ng direktor.
"The Seoul Film Commission with the help of Film Line Productions helped us scout locations and hired talents for the film.
"Sam and Nadine truly enjoyed the experience."
Proud si Paul sa pelikulang ipinagkatiwala sa kanya ng Viva Films dahil nagamit sa Indak ang mga kaalaman niya sa pamamahala ng mga successful major concert nina Sarah Geronimo, Nadine, James Reid, at Billy Crawford.
Collaboration ng Pilipinas at ng South Korea ang mga music na ginamit sa Indak.
Sina Verb del Rosario at Civ Fontanilla ang music producers.
Ang PhilPop finalist na si Johann Garcia ang musical director, na mga nakatrabaho ni Paul sa Tabi Po, ang unang digital series.
Unforgettable sa kanila ang Tabi Po dahil nominado ito sa best movie soundtrack category ng 23rd Asian TV Awards, na ginanap noong January 12, 2018 sa Kuching, Malaysia.
Hi-tech ang camera na ginamit ni Paul sa South Korea para sa shoot ng Indak. Ito ay ang tinatawag na Alexa Mini-Arri mounted on a DJI Ronin 2 with a HollyLand wireless monitor for portability.
Narito ang isang litrato ni Paul na kuha noon pang 2016: